Exercise Activity #1

Makikita natin sa talahanayan sa baba ang mga kontemporaryong isyu at ang kahalagahan sa pag-aaral ng mga ito.

KONTEMPORARYONG ISYU 

BAKIT MAHALAGA ITONG PAG-ARALAN?

COVID-19 Pandemic

Mahalagang mabigyang pansin ang isyung ito  sapagkat ito ay isang suliranin o virus na kung saan  pwedeng makuha ng lahat ng tao anuman ang  estado nito sa buhay, at maaaring makapagdulot ng  maraming suliranin sa bayan. Mahalaga na  malaman ng nasa gobyerno pati na rin ng taong  bayan kung paano masosolba ang suliraning ito,  sapagkat marami itong epekto sa ating bansa, mula  healthcare systems hanggang sa ekonomiya.  Mahalaga rin na mapag-aralan ito upang malaman  kung paano nga ba natin haharapin ang mga  pandemiya sa mga susunod na panahon.

Climate Change

Ang climate change ang isa rin sa mga isyu na mahalagang pag-usapan dahil ito ay magbunga sa  mga karagdagang suliranin hindi lamang sa ating  bansa kundi sa buong mundo. Sa ngayon,  nararanasan na natin ang epekto ng climate change,  mula sa sobrang init ng temperature ng mundo  hanggang sa malalakas na bagyo. Mahalaga rin na  mabigyang pansin kung ano ang mga dahilan kung  bakit patuloy na nangyayari ito upang malaman natin  kung paano unti-unting mappapatigil ito. Sa usaping  ito, dito nakasalalay kung ano ang magiging  kinabukasan nating mga nilalang sa mundo at ang  estado ng mundong tinitirhan natin.

Corruption

Mahalaga na malaman ng mga taong bayan kung  saan napupunta ang mga buwis na nababawas sa  kanilang mga sweldo. Hindi natin masasabi kung  nagagamit ba nang tama ang mga pondo ng bayan,  lalo na kung wala namang pagbabagong nakakabuti  na nagaganap sa inyong lugar at ang mga  namumuno ay payaman nang payaman. Sa  pagtalakay ukol sa kurapsyon, malalaman natin  kung tama ba o niloloko na ba ng mga pinuno ang  mga mamamayan.

Press Freedom

Ang kalayaan ng mga mamamahayag na ipahayag  ang mga isyu sa ating lipunan ay sumisimbolo ng  kalayaan at demokrasya ng ating bansa. Kapag  naipapakita ng mga mamamahayag ang tunay na  nangyayari sa bansa na walang nagtatangka sa  kanilang buhay (lalo na ang mga nasa gobyerno),  masasabi natin na tunay na malaya ang bansa.  Samantala, kapag pinagbabawalan sa  

pagpapahayag ng mga tunay na nangyayari sa  gobyerno, pinagtangkaan ang buhay ng mga  mamamahayag, o kaya ipinasara ang kumpanya ng  mga mamamahayag, maaring ipinapakita nito na  ang gobyerno ay nagiging mahigpit sa mga dapat  malaman ng taong bayan tungkol sa mga tunay na  mangyayari sa ating bansa.

Reproductive Health

Noon pa man, usap-usapan na ang isyu tungkol sa  reproductive health, at napapaloob dito ang mga  suliraning tulad ng teenage pregnancy, abortion, at  ang paggamit ng mga contraceptives para sa family  planning. Mahalaga itong pag-aralan dahil ito ay  nakakaapekto sa pagdami ng populasyon ng mga  mamamayan dito sa ating bansa. Ngayong  nagkaroon ng quarantine, mas tumaas ang bilang ng  mga nabubuntis, mapabata man o nasa wastong  edad na, dahil maaaring walang proteksyon na  nagamit habang nakikipagtalik o kaya ay nagahasa  sila dahil tumaas din ang bilang ng domestic  violence ngayon. Mahalaga rin na mapag-usapan ito  dahil hanggang ngayon ay kinakahiya o kaya ay  hindi pinnapahintulutan ng iba sa atin ang pag usapan ang isyung ito.


Sa panahon ngayon, ang pinakamahalagang isyu na mapag-usapan ngayon ay ang  tungkol sa COVID-19 pandemic, dahil hanggang ngayon ay pasan-pasan natin ang mga epekto nito sa lahat ng sektor ng ating bansa. Dahil sa mga lockdowns gawa nito, tumaas ang mga  kaso ng pang-aabuso sa loob ng tahanan at mga kababaihan na nabubuntis dahil wala sila  ngayon mapagkukuhanan ng pera upang makagamit ng mga contraceptives. Umabot naman  sa halos 4.6 milyon na mga mangagawang Pilipino ang mga nawalan ng trabaho gawa ng  pagsara ng mga negosyo dahil sa pagkalugi. May mga solusyon na naisip ang pamahalaan  upang matugunan ito tulad ng pagbibigay ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga  nangangailangan, distance learning para sa mga estudyante, pagbibigay ng mga subsidies sa  mga negosyong naapektuhan ng lockdowns, pagpapapayag sa mga pampublikong  transportasyon na bumyahe pero susunod sa health protocols, at marami pang iba. Ngunit,  mas epektibo pa rin na masolusyunan tuluyan ang COVID-19 at ang mga suliraning dala nito  kung magkakaroon ng malawakang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nagpositibo at  istriktong pagpapatupad ng mga patakaran na may kinalaman sa COVID-19 sa kahit sino, may  pwesto man sa gobyerno o wala.


Mga Sanggunian:

Comments