URI NG KALAMIDAD | EPEKTO | PAANO MAIIWASAN? |
COVID – 19 Pandemic (Pandemiya; nangyari sa Pilipinas mula Enero hanggang ngayon) | Naging overworked ang mga frontliners lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga ospital at mga laboratoryo upang mapagaling ang mga may sakit at malaman kung sinu-sino ba ang mga may sakit. Naging distance learning ang paraan ng pag-aaral sa lahat ng antas. Maraming mga negosyo ang nagsara dahil nalugi sila gawa ng mga lockdowns na nagresulta sa pagdami ng mga nawalan ng trabaho. Hindi na pinayagaang pumasada ang mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep at tricycle, na nagdulot sa kanila na manlimos sa lansangan. Hindi na rin kumikita sa ngayon ang mga nasa tourism industry dahil walang pwedeng lumabas-labas o kaya pumunta sa ibang lugar.
| Maaaring gawing pangmatagalang solusyon sa pandemiyang ito ay ang mass testing para sa mga frontliners, probable cases, at mga nasa vulnerable groups tulad ng mga matatanda at may mga iniindang sakit. Kasabay nito, nakakatulong rin ang mas malawakang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa sakit. Makakatulong ito upang malaman kung sino ang mga maaaring may taglay o kaya maapektuhan ng sakit na ito, at maagapan ang kanilang karamdaman. Para sa mga ordinaryong
mamamayan, iwasan ang paglabas ng tahanan kung hindi mahalaga. Sa usaping negosyo, kung maaari ay hanapan ng paraan kung paano maipagpapatuloy ang negosyo sa gitna ng pandemiya. Kung hindi, tulungan ang bawat isa sa inyong kumpanya na makaahon pagkatapos na mawalan ng trabaho.
|
Bagyo (Bagyong Rolly o Typhoon Goni; nangyari noong nakaraang Nobyembre 1) | Maraming mga nasirang gusali gawa ng malalakas na hangin. Nagkaroon ng matinding pagbaha sa may Rehiyong 5 May mga pananim na nasira gawa ng bagyo.
| Paalalahanan ang mga tao ukol sa impormasyon sa bagyo at kung paano ito mapaghahandaan. Bago pa man manalanta ang bagyo, dapat alamin na kung ano-ano ang mga bahagi ng bahay o gusali na maaaring masira kung sakali man na may bagyo. Kahit wala pang bagyo, maghanda na ng emergency kit at iba pang mga kagamitan na kailangan sakali man na kailangang lumikas.
|
Pagsabog ng bulkan (Pagsabog ng Bulkang Taal; nangyari noong nakaraang Enero) | Maaaring matabunan ng abo ang mga bubong, sasakyan, mga kalsada, atbp. Maaaring maapektuhan ang respiratory system ng isang tao kapag nakalanghap ito ng abo. Naapektuhan ang pangkabuhayan ng mga tao tulad ng mga pananim at mga isda.
| Paalalahanan ang mga tao ukol sa impormasyon sa pagsabog ng bulkan at kung paano ito mapaghahandaan. Alamin kung ang iyong tahanan o pinapasukang paaralan o trabaho ay malapit sa isang bulkan na maaaring sumabog. Paghandaan kung ano ang mga kailangang gawin kung sakali.
|
Comments
Post a Comment