Ang mga kasagutan sa tanong na ito ay base sa isang larawan na ibinigay ng aming guro habang nagkaklase.
Ano ang mahihinuha mo mula sa larawan?
Ipinapakita ng larawan kung ano ang globalisasyon at mga nagaganap dito. Makikita sa larawan na may mga tao mula sa iba’t-ibang lahi ang nagtatrabaho magkasama, Makikita rin na dahil sa globalisasyon, mayroong pagkakataon na makapunta ang mga tao sa iba’t bang bansa. Napansin ko na may mga koneksyon ang mga bansa sa globalisasyon. Nagipapamahagi sa iba’t ibang bansa ang mga bagong teknolohiya na nabuo. Higit sa lahat, may mga pagkakasundo na nagaganap sa globalisasyon.
Ano ang kahulugan ng globalisasyon? Nakakabuti ba ito o nakakasasama sa mga tao at mga bansa?
Ang globalisasyon ay ang pag-unlad ng mga bansa sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan o pakikipag-ugnayan nito sa iba pang mga bansa. Ito ay mayroong mabuti at masamang epekto sa isang bansa. Ang mga mabubuting epekto nito ay nagkakaroon ng pagkakataon na makapagpalitan ng produkto ang dalawang bansa at maibahagi ang kanilang kultura, magkakaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan ang mga lokal na kumpanya sa malalaking kumpanya sa buong mundo, maaaring makakuha ng mga manggagawa sa ibang bansa dahil kulang ang may kakayahan na gawin ito sa bansang kinaroroonan, at mayroon ding pagkakataon na maipamahagi ang mga bagong teknolohiya na nabuo. Ang masasamang epekto nito ay maaaring makalimutan na ng iba sa atin ang kultura ng sariling bansa, umasa na lang ang isang bansa sa bansang kaniyang kaugnayan, at maaaring mabawasan ang mga manggagawa sa bansang pinagmulan dahil pinili na lamang nito na magtrabaho sa ibang bansa dahil mas malaki ang kita.
Comments
Post a Comment