Aralin #1 - Activity #1

Ang mga kasagutan sa gawaing na ito ay base sa mga simbolo na nagpapakita ng mga isyung kinahaharap ng bansa ngayon at ang mga kahulugan nito.

1.    COVID-19 PANDEMIC

Ipinapakita sa larawang ito  ang isang COVID-19 ward.  Para sa akin, ang larawang  ito ang simbolo ng isyung nabanggit dahil ang COVID 19 ay isang isyung pangkalusugan, at ang mga  ospital ang mga unang  naapektuhan ng pandemiyang ito. 

2.    CLIMATE CHANGE

Ipinapakita ng larawang ito ang  pagkatunaw ng mga yelo sa  Antartica. Sa aking pananaw, ang  simbolong ito ay nagpapakita ng  mga epekto ng climate change at  global warming sa atin at sa  ating paligid. Dapat mabahala na  tayo, dahil baka sa susunod ay  wala nang yelo dito sa mundo na  maaaring magdulot ng sea level  rise na maaaring magpalubog sa  ilang mga anyong lupa tulad ng  mga isla. 


3.    CORRUPTION

Noong mga nakaraang linggo,  naibalita ang kurapsyon sa  loob ng Philhealth. Ito ang naging simbolo ng kurapsyon ngayon dahil isa ito sa mga isyu kung saan napatunayan na may nagaganap na sa loob nito. Ang isyung ito ay makakaapekto sa ating lahat  sapagkat ang mga pondo rito  ay ibinigay ng taong bayan  para magamit nila sakali man  na sila ay maospital. 


4.    PRESS FREEDOM

Ang larawang ito ay nagpapakita ng  mga aktibistang ipinaglalaban ang  press freedom. Sinisimbolo ng  larawang ito ang paglaban para sa  press freedom dahil ngayon pa lang  ang may mga pinapatay na mga  mamamahayag, at makikita natin  ngayon na may ibang mga estasyon  na ipinapasara kahit na ang mga ito  lang ang tanging pinagkukuhanan ng  impormasyon ng mga tao sa ibang  mga probinsya.


5.    REPRODUCTIVE HEALTH

Ang larawang ito ay nagpapakita ng  mga kababaihang nagdadalang tao, at  para sakin sinisimbolo ito ang usaping reproductive health dahil nakaakibat  ang pagbubuntis sa pagdami ng populasyon na maaring makaapekto  sa ekonomiya ng bansa. Karagdagan,  kailagang mapahalagahan ang  reproductive health ng mga mamamayan hindi lamang upang  makontrol ang bilang ng mga buntis  kundi para mapahalagahan ang  kalusugan ng lahat. 


Comments