Ang mga kasagutan sa gawaing na ito ay base sa mga kalamidad na kinaharap ng ating bansa at ang aking reaksyon sa mga ito.
a. BAGYO
SOURCES:
REACTION:
Ako ay nababahala sa mga dumating na bagyo sa ating bansa noong mga nakalipas na buwan, dahil nakapinsala ito sa mga ari-arian ng mga mamamayan at nakadulot ng pagkasawi ng ilan sa ating mga kababayan. Nakakatakot isipin na ang Bagyong Rolly ay maituturing na ‘strongest typhoon of 2020’ at ang Bagyong Ulysses naman ay sinasabi na kasing lakas ng Ondoy (pero mas mababa ang dami ng ulan na nailabas ng Ulysses kaysa Ondoy). Naapektuhan ng Bagyong Rolly ang mga lugar sa Bikol samantalang nagdulot ng matinding suliranin ang Bagyong Ulysses sa iba pang mga lugar sa Luzon, tulad ng Cagayan, Marikina, at ilang bahagi ng Rizal. 73 ang naitalang nasawi sa Bagyong Ulysses samantalang 7 naman sa Bagyong Rolly. Para sa akin, nakita ang pagbabayanihan ng mga Pilipino at ang pagresponde ng mga departamento sa mga suliraning bunga ng kalamidad na ito, ngunit hindi dapat lagi paggawa ng mga solusyon upang para sa matitinding epekto ng mga bagyo. Hindi dapat laging babangon at babangon na lang nang paulit-ulit ang isang bansa, dahil maaaring maubos lang ang pera ng bayan sa paulit-ulit na pagbangon (kahit na mayroong budget para dito). Sa aking opinyon, ang mga namumuno ay dapat mag-isip ng mga permanenteng solusyon upang hindi na tayo makaranas ng mga matitinding epekto at mapunta ang ating mga pera hindi sa mga donasyon kundi sa pagpapaunlad na lamang ng ating bansa mismo. Maaaring maging solusyon dito ang pagpepreserba sa mga kabundukan natin tulad ng Sierra Madre Mountain Range. Ang mga bundok ay nagsisilbing panangga sa mga matintinding bagyo, dahil kapag ang isang bagyo ay tumama sa lupa (partikular ang matataas na lupa), humihina ito at nababawasan ang matitinding epekto nito sa mga mamamayan. Isa sa mga magagandang gawin bilang solusyong ito ay ang hindi pagmimina sa mga bulubunduking ito pati na rin ang pagpapatayo ng mga gusali at subdivision sa mga ito. Mabuti kung may pag-unlad na nagaganap sa isang lugar, pero hindi ito nakabubuti kung ang kapalit nito ang estado ng kapaligiran na maaaring magpahirap sa atin kapag nasira ito. Hindi natin maiiwasan na magkaroon ng mga matitinding bagyo, pero naniniwala ako na maiiwasan natin ang matitinding epekto nito at maaari tayong makagawa ng mga permanenteng solusyon para dito.
b. BAHA
SOURCES:
REACTION:
Isang bunga ng mga bagyo ang pagkakaroon ng pagbaha sa ilang mga lugar, dahil maaaring tumaas ang lebel ng tubig sa mga anyong-tubig na nakapaligid sa mga ito. Nagdulot ito ng pagkasira ng mga tahanan at ilang gusali sa mga lugar tulad ng Cagayan, Marikina, at Rizal. May ambag ang dami ng puno, sewage system, at pati na rin ang waste management sa pagkakaroon ng pagbaha sa isang lugar. Ang dami ng puno ay may epekto sa pagbaba ng lebel ng tubig sa isang lugar, dahil ang mga ito ang nagsisipsip ng tubig na kung saan ay ginagamit ng mga ito sa paglaki at sa pagpapatatag ng lupa ng isang lugar laban sa pagguho nito. Mas maraming puno, mas maraming tubig ang masisipsip at mas matatag ang lupa na kinatatayuan nito. Ang sewage system at ang waste management naman ay mayroong kaugnayan sa isa’t isa na maaaring magdulot ng pagbaha. May mga mamamayan na hindi nagtatapon nang maayos ng kanilang mga basura, at kadalasan ang iba sa kanila ay itinatapon sa kanal o kaya sa mga anyong-tubig malapit sa kanila. Ang mga basura na naitatapon sa kanal ay nakakapagdulot ng pagbara sa mga linya nito, kaya naman kapag mayroong matinding pag-ulan, ang mga tubig na maaari sanang mapunta sa mga kanal ay nananatili na lang sa mga kalsada. Ang mga basura rin ay nagiging pakalat-kalat kapag may baha, dahil maaaring maanod ang mga ito ng tubig mula sa mga pinagtapunan sa kanila. Naniniwala ako na sa ibang mga pagkakataon ay hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng pagbaha sa isang lugar, pero naniniwala ako na ang mga puno at maayos na sewage system ang makakatulong sa atin na mabawasan ang mga negatibong epekto ng baha na nararanasan natin—madumi na kung saan ay maaaring napalibutan ng mga basura, daga, at mga mikrobiyo na maaaring makapagdulot ng sakit sa sinumang maaapektuhan nito. Sa suliraning ito, kailangang magtulong-tulong ang mga namumuno at mga mamamayan, kung saan maaaring maglunsad ng mga tree planting activities o kaya maglagay ng puno sa kani-kanilang mga lugar ang mga namumuno sa lugar na iyon, at magkaroon ng disiplina ang mga mamamayan sa pagtatapon ng kanilang mga basura. Hindi lahat ng mga solusyon sa isang suliranin ay dapat iasa sa mga namumuno, at hindi rin dapat lahat ng paghihirap ay mapunta sa mga mamamayan. Dapat ay mayroong pagkakapantay-pantay sa pagresolba sa mga suliranin sa ating bayan, baha man ito o iba pa.
c. LINDOL
SOURCES:
REACTION:
Masasabi natin na ang Pilipinas ay maraming mga bulkan, at mayroong mga fault lines na maaaring gumalaw anumang oras, at ang mga ito ay isa sa mga maaaring dahilan ng paglindol sa bansa. Maraming paglindol ang nagaganap Ang isang landslide ay ang pagguho ng lupa dahil sa lindol, matinding pag-ulan, o kahit anong pamamaraan ng paggalaw ng lupa sa mga bundok o kahit anong mataas na anyong lupa. Dahil sa dami ng bagyong dumaan sa ating bansa, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga landslides dahil sa matinding pag-ulan. Ngayong taon, isa sa mga naibalitang pagguho ng lupa ay sa Nueva Vizcaya, na kung saan 5 ang namatay at sinasabing ito ay dahil sa malalakas na ulan na dulot ng Bagyong Ulysses. Masasabi ko na base sa balita, ang mga biktima ng landslide dito ay nasa loob ng kanilang mga tahanan, kung saan ang lugar nila mismo ay mga landslide-prone areas. Nairesponde naman nang maayos ang mga naapektuhan, ngunit sabi din sa isang nakalap ko ay ayaw daw lumikas ng ilan at gustong manatili sa kanilang mga tahanan. Naniniwala naman ako na maaari sanang naiwasan ang pangyayaring ito kung may kaalaman ang mga biktima sa lugar na kinatatayuan ng kanilang mga tahanan at sumunod sila sa mga awtoridad. Maaaring nasabihan na ng mga awtoridad ang mga mamamayan sa lugar na iyon, ngunit maaaring sa mga regular na araw ay hindi na natuturuan ang mga tao kung ano ang maaaring mangyari sa kanilang lugar
araw-araw, ngunit ang ilan sa mga ito ay mahihina na umaabot sa puntong hindi gaanong naibabalita. Ngunit may ilan sa mga ito na malalakas, tulad ng sa Surigao del Sur at Masbate na kung saan ay inabot ang mga ito sa Magnitude 6. Ang mga lindol na ito ay naramdaman sa mga karatig na lugar, at nakadulot ng pagkasawi ng ilan nating mga kababayan. Noong hindi pa nagkakaroon ng community quarantine sa ating bansa, mayroong mga earthquake drills na ginagawa upang paghandaan ang “The Big One,” na sinasabing maaaring makaapekto sa mga lugar sa Luzon. Ang mga earthquake drills na ito ay kadalasang ginagawa sa iba’t-ibang mga lugar, ngunit kadalasan ay nagkakaroon din ng mga nationwide earthquake drills. Ngayong panahon ng pandemiya, hindi na gaano nagkakaroon ng mga earthquake drills dahil hindi pwedeng magkakasama anMasasabi natin na ang Pilipinas ay maraming mga bulkan, at mayroong mga fault lines na maaaring gumalaw anumang oras, at ang mga ito ay isa sa mga maaaring dahilan ng paglindol sa bansa. Maraming paglindol ang nagaganap araw-araw, ngunit ang ilan sa mga ito ay mahihina na umaabot sa puntong hindi gaanong naibabalita. Ngunit may ilan sa mga ito na malalakas, tulad ng sa Surigao del Sur at Masbate na kung saan ay inabot ang mga ito sa Magnitude 6. Ang mga lindol na ito ay naramdaman sa mga karatig na lugar, at nakadulot ng pagkasawi ng ilan nating mga kababayan. Noong hindi pa nagkakaroon ng community quarantine sa ating bansa, mayroong mga earthquake drills na ginagawa upang paghandaan ang “The Big One,” na sinasabing maaaring makaapekto sa mga lugar sa Luzon. Ang mga earthquake drills na ito ay kadalasang ginagawa sa iba’t-ibang mga lugar, ngunit kadalasan ay nagkakaroon din ng mga nationwide earthquake drills. Ngayong panahon ng pandemiya, hindi na gaano nagkakaroon ng mga earthquake drills dahil hindi pwedeng magkakasama ang mga tao sa iisang lugar. Nakakabahala kung magkaroon man ng lindol na ‘di inaasahan dahil maaaring hindi mapaghandaan ang mga ito o kaya ay hindi na alam ng mga tao ang tungkol dito. Isa pa, mayroon mang mga simultaneous earthquake drills na ginagawa, ngunit mga piling lugar lamang ang mga nakakagawa. Para sa akin, kahit may pandemiya, kailangan pa ring maturuan ang mga tao ukol sa mga lindol at ang mga dapat gawin dito. Maaari pa rin naman na magawa nila ang duck, cover, and hold at mapag-usapan kung ano ang mga kailangang gawin sakali man na magkaroon ng lindol (o kahit anong sakuna). Hindi natin alam kung kalian magkakaroon ng lindol, kaya naman kahit may pandemiya, mahalaga na paghandaan natin ito at maturuan ang mga tao sa ating paligid kung ano ang dapat natin gawin kung sakali man na magkaroon nito.
d. LANDSLIDE
SOURCES:
https://www.pna.gov.ph/articles/1121815; https://mb.com.ph/2020/11/12/5- killed-in-vizcaya-landslide/
REACTION:
Ang isang landslide ay ang pagguho ng lupa dahil sa lindol, matinding pag-ulan, o kahit anong pamamaraan ng paggalaw ng lupa sa mga bundok o kahit anong mataas na anyong lupa. Dahil sa dami ng bagyong dumaan sa ating bansa, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga landslides dahil sa matinding pag-ulan. Ngayong taon, isa sa mga naibalitang pagguho ng lupa ay sa Nueva Vizcaya, na kung saan 5 ang namatay at sinasabing ito ay dahil sa malalakas na ulan na dulot ng Bagyong Ulysses. Masasabi ko na base sa balita, ang mga biktima ng landslide dito ay nasa loob ng kanilang mga tahanan, kung saan ang lugar nila mismo ay mga landslide-prone areas. Nairesponde naman nang maayos ang mga naapektuhan, ngunit sabi din sa isang nakalap ko ay ayaw daw lumikas ng ilan at gustong manatili sa kanilang mga tahanan. Naniniwala naman ako na maaari sanang naiwasan ang pangyayaring ito kung may kaalaman ang mga biktima sa lugar na kinatatayuan ng kanilang mga tahanan at sumunod sila sa mga awtoridad. Maaaring nasabihan na ng mga awtoridad ang mga mamamayan sa lugar na iyon, ngunit maaaring sa mga regular na araw ay hindi na natuturuan ang mga tao kung ano ang maaaring mangyari sa kanilang lugar at ang maaari nilang gawin sakaling may mga sakuna. Sa aking opinyon din, masasabi ko na may kasalanan din ang ilang mga tao, dahil hindi nila sinunod ang mga awtoridad. Kung sumunod ang ilan sa kanila, maaari sanang walang natabunan sa nangyaring iyon. Tungkol naman sa mga landslides mismo, makakatulong sana kung magtatanim tayo ng ilang mga puno sa mga landslide prone areas, dahil nababawasan nito ang mga peligro ng pagkakaroon ng pagguho ng lupa. Napapatatag nito ang pundasyon ng lupa sa pamamagitan ng pagkapit ng mga ugat nito. Maaari na ang mga puno ay napuputol dahil sa mga pinapatayong daan, gusali, o mga tahanan mismo, at naniniwala naman ako na nakabubuti iyon para sa pag-unlad, ngunit sana isaalang-alang din natin na kailangan din natin maipreserba ang katayuan ng kalikasan o kaya mapaayos ito upang hindi tayo mapahamak sa kinabukasan.
e. STORM SURGE
SOURCE:
https://www.rappler.com/nation/luzon/storm-surge-victims-albay-appeal-help-typhoon-rolly-wiped-out-homes;
REACTION:
Ang storm surge ay ang pagtaas ng tubig sa mga dalampasigan na nagdudulot ng matinding pagbaha dahil sa malalakas na mga bagyo o tropical depressions. Ito ay nangyari sa Samar at Leyte noong 2013 dahil sa Bagyong Yolanda, na kung saan ay maraming mga tahanan ang nasira. Noong nakaraang Oktubre, ang mga mamamayan sa Albay ay tinamaan ng Bagyong Rolly, na kung saan ay nagdulot ito ng mga storm surges sa lugar na naging dahilan ng pagkawasak ng mga bahay. Nakakabahala na malaman na matindi ang epekto ng mga storm surges hindi lamang sa ating mga kababayan na Bikolano kundi maaari rin sa atin balang araw, dahil maaaring sa mga susunod na mga taon ay palakas nang palakas ang mga bagyong darating sa ating bansa dahil sa climate change. Hindi natin maiiwasan ang mga storm surges, dahil ang ilan sa ating mga dalampasigan ay wala nang mga natural barriers at hindi natin maiiwasan ang mga bagyo. Sa aking palagay, dapat ay mag-invest ang pamahalaan hindi lamang sa risk reduction management kundi rin sa pangangalaga ng kalikasan. Isa sa mga maibibigay kong magandang solusyon dito ay ang pagtatanim ng mga bakawan sa mga baybaying maaaring pagtaniman imbis na gawin itong mga beach. Base sa isang pag-aaral, ang mga bakawan o mangroves ay isang magandang depensa sa mga storm surges, dahil nakukuha ng mga ito ang mga waves dala ng mga bagyo na nakakabawas sa mga waves na nakakarating sa mga dalampasigan mismo. Napapatatag din nito ang lupa na kinatatayuan nito, dahil ito ay may mga ugat na nakakapit sa lupa at nagpapasustansya nito, at sinisipsip din nito ang tubig na kung saan ay napipigilan nito ang pagpasok ng tubig sa mga siyudad. Nanininiwala ako na maari pa namang mapigilan ang storm surge mismo o kung hindi man ay ang mga epekto nito sa mga mamamayan, sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga mamamayan kung ano ang mga epekto ng bagyo sa atin at kung paano paghandaan ang mga ito.
f. PAGPUTOK NG BULKAN
SOURCES:
REACTION:
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, kung saan maraming bulkan ang nabubuo at maaaring sumabog. Nakakabahala na isa sa mga bulkang ito ay nagpakita ng senyales ng pagsabog, lalo na kapag ito ay matagal nang hindi sumasabog at ito ay nangyari sa simula ng taon. Ang Bulkang Taal, na kung saan ang huling pagsabog nito ay noong 1977, ay sumabog noong nakaraang Enero at nakapagdulot ng matitinding ashfall sa mga lugar sa Luzon na malapit dito, tulad ng NCR at Rizal. Nagkaroon ng suspensyon sa mga pasok sa eskwela at ilang trabaho, at dito nagsimula na magsuot ng face masks ang mga tao para hindi malanghap ang mga ashes. Masasabi ko na hindi ito inaasahan, dahil ito ay simula nga ng taon at matagal na mula noong huling sumabog ito. Nakakalungkot isipin na dahil iniisip ng iba na hindi na sasabog ang bulkang ito, may iba na nakatira na malapit mismo sa paaanan ng bulkan, at ang iba sa pangkabuhayan ng ilan sa kanila ay matatagpuan malapit dito. Ang pagsabog na ito ay nakadulot ng kawalan ng tirahan at pangkabuhayan sa ilan sa ating mga kababayan na BatangueƱo (sa Batangas matatagpuan ang bulkan), dahil maaaring nasira ng mga ashfall ang mga bubong ng kanilang mga bahay at natabunan ng lahar ang ilang mga pangkabuhayan. May mga buhay at mga hayop na nasawi gawa nito, na kung saan ay maaaring maiwasan kung maagang nakalikas ang mga ito, hindi na binalikan ang mga naiwan, o kaya hinayaang makatakas sa kanilang mga tali o kulungan (sa kaso ng mga hayop). Maayos naman ang responde ng mga awtoridad sa kalamidad na ito, pero masasabi ko na maaaring hindi na pinapaalalahanan ng mga ito ang mga mamamayan na maaari pang sumabog ang bulkang ito. Ang mga mamamayan naman ay masyadong tinake for granted ang katahimikan ng bulkan kaya naman ay hindi na sila nag-iingat sa ‘di inaasahang pagsabog ng bulkan. Maaaring dahil sa nangyaring pagsabog ay natuto sila na paghandaan pa rin ang mga hindi inaasahang pagsabog kahit matagal na itong ‘di sumasabog, pero sana sa susunod ang parehong mga awtoridad at mga mamamayan ay hindi natin pagsamantalahin ang mga bagay sa kanilang paligid dahil baka sa susunod ay may hindi inaasahang mangyari sa kanila at/o sa kanilang lugar.
Comments
Post a Comment