Climate Change

 


YOU’VE GOT TWO CHOICES 

...sa halos lahat ng mga desisyon na ginagawa natin sa araw-araw, tulad ng gagawa ba  ng requirements ngayon o maghahapit na lang sa araw ng pasahan. Mayroon naman  tayong karapatan na piliin kung ano ang gagawin para sa ating ikabubuti, ngunit hindi  lahat ay nakakapili dahil maaaring gawa ng kinalalagyan ng mga ito sa buhay. Paano  naman kaya kung ang pagpipilian mo ay nakabase sa magiging kinabukasan mo o ng  ibang tao? Anong pipiliin mo, ang para lamang sa ikabubuti mo o sa ikabubuti ng lahat?  Ang makikiisa sa paggawa ng mga solusyon sa usaping climate change o hahayaan na  lang magdusa ang mga susunod na henerasyon sa mga epekto nito. 

            Masasabi natin ang climate change ay ang biglang pagbago ng klima ng mundo,  at ang global warming naman ay ang pagtaas ng temperatura ng mundo. Makikita natin  na ramdam na ang climate change at global warming sa iba’t ibang bahagi ng mundo.  Dito sa Pilipinas, nakakaranas na tayo ng mga pagbaha gawa ng mga malalakas na  bagyo. Naranasan natin ang mga epekto nila Ondoy, Yolanda, Rolly, at Ulysses noong  mga nakaraang taon, at habang tumatagal ay palakas nang palakas na ang mga bagyo  na nararanasan natin. Sa mga malalamig na parte ng mundo tulad ng Antarctica,  natutunaw na ang mga ice caps na maaaring makapaglabas ng mga microorganisms na  maaaring magdulot ng sakit sa ibang tao, at malapit nang maubos ang mga polar bear  dahil umaasa na lang sila sa pagkain ng kanilang mga sarili gawa ng walang makain. Sa  South America at Australia, nabawasan ang populasyon ng mga halaman at mga  kahayupan gawa ng mga wildfires na naganap roon. Maraming mga anyong tubig na  natutuyo na, tulad ng Dead Sea sa may Jordan at Israel. Sa pangkalahatan, nakakaranas  na tayo ng sobrang init o kaya sobrang lamig na temperatura. Hindi na rin normal ang  mga panahon ngayon, na kung saan umuulan na kahit Abril o kaya sobrang init kahit  Hulyo na. Marami pang epekto ang climate change at mayroon na lang tayong halos  isang dekada para mabawasan ang mga epekto nito ayon sa mga pag-aaral.  Nakakatakot ano, nangyayari pa rin ngayon ngunit natatabunan ng mga iba pang isyu na  nangyayari sa atin. 

            Lahat tayo ay maaaring magkaroon ng kontribusyon sa pagkakaroon ng climate  change, pero lahat rin tayo ay may pagkakataon na mabawasan ang epekto nito. Isa sa  mga maliliit na hakbang na magagawa natin ay ang pagtitipid sa pagkonsumo ng tubig at  kuryente lalo na kapag hindi naman mahalaga o hindi ito ginagamit. Maganda rin na  suportahan natin ang mga maliliit na negosyo, dahil sa pamamaraang ito ay  mababawasan ang transportasyon na ginagamit na may kontribusyon sa air pollution at  nakakatulong pa tayo sa ekonomiya ng bansa. Isa rin sa magagandang solusyon sa mga  epekto ng climate change ay ang hindi pagsuporta sa mga industriya na may pakinabang  sa pagkakasira ng mga anyong-lupa at tubig, at pagkakaubos ng mga halaman at hayop,  na kung saan makikita natin na yumayaman at yumamayaman sila lalo sa mga ganitong  pamamaraan. Maaari rin tayong makilahok sa mga tree-planting activities o kaya sa mga programa ng pamahalaan na ang layunin ay ipahalagahan ang mga anyong-lupa at tubig.  Dapat din tayong maging responsable sa pagtapon ng mga basura at iwasan ang pagsisiga ng mga ito. Marami pa naman tayong magagawa para mabawasan ang epekto  ng climate change, pero huwag natin kailimutan na ipaglaban ang ating kalikasan. 

            Maraming solusyon sa pagbabawas ng epekto ng climate change, pero kung hindi  lahat gagawa ay walang mangyayari. Ikaw, gusto mo bang hindi na maranasan ng  magiging mga anak, pamangkin, o apo mo na makalanghap ng sariwang hangin,  makatikim ng sariwang tubig, o makakita ng mga puno at mga hayop? Gusto mo ba na  lagi kang makaranas ng mga pagbaha gawa ng mga bagyo dahil sa mga bundok na  pinagkakakitaan ng mga kapitalista at ginagawang subdivision at/o minahan? Oo,  moderno na ang kinagagalawan natin ngayon, pero hindi naman lahat ng pagbabago ay  nangangailangan ng pagkakasira ng iba. Lahat naman tayo ay mayroong kakayaan na  mabawasan ang mga epekto ng climate change, at kung gusto mo ng maayos na  kinabukasan para sa susunod na henerasyon, ayusin mo na rin ang mga desisyon mo  sa buhay at makiisa ka na sa pagtulong na mapabawas ang epekto ng climate change. 
Ang lahat ng desisyon ay mahalaga, maliit man o malaki ang epekto sa lahat. Kaya  naman para sa lahat ng may kakayahan na gumawa ng aksyon para sa kinabukasan at  sa mga may pribilehiyong may hawak ng mga nagpapatakbo sa ating mundo, I'm gonna  make this simple for you. You’ve got two choices: yes to climate change or yes for the  better future? 

#climatechange21 #socialmediaawareness #risci #batch20 

Comments