Performance Task #4

TERRITORIAL DISPUTE SA PAGITAN NG CHINA AT PILIPINAS TUNGKOL SA WEST PHILIPPINE SEA

ABSTRAK 

Ang China at Pilipinas ay mayroong magandang relasyon ngayon, ngunit  nakakaranas pa rin sila ng hindi pagkakaintindihan sa teritoryo. Ipinaglalaban ng China  ang kanilang 9-dash line map, kung saan ipinapakita nito na ang mga teritoryong nasa  loob ng 9 na putol-putol na linya ay pag-aari nila. Nasa loob nito ang mga teritoryo na  pagmamay-ari rin ng Pilipinas, na pinapatunayan ng United Nations Convention on the  Law of the Sea (UNCLOS) na sa kanila dahil sakop ito ng 200-nautical mile exclusive  economic zone at continental shelf ng bansa. Nagkaroon man ng mga arbitration trial  tungkol dito at naipanalo ng Pilipinas ang kaso, hindi pa rin natatapos ang hidwaan sa  pagitan nila ng China dahil hindi nito kinikilala ang desisyon ng Permanent Court of  Arbitration at nagkaroon ng koneksyon sa pagitan nila. Ang hidwaang ito ay may epekto  sa ekonomiya ng parehong bansa, at sa relasyon nila sa mga nakapaligid sa kanila.

INTRODUKSYON 

Ang Pilipinas at China ay ang mga bansa pare-parehong matatagpuan sa may  Asya. Malapit sa isa’t-isa ang mga namumuno sa mga bansang ito, kaya naman  nagkakaroon ng mga palitan ng kalakal at serbisyo sa pagitan ng mga ito. Ang pagiging  malapit ng lokasyon sa isa’t-isa ang naging dahilan rin kung bakit mayroong naging  ugnayan sa kanila at may parte na rin ng kasaysayan kung saan ang mga Tsino ay  nakarating sa ating bansa bago pa makarating ang mga Espanyol dito. Subalit, sa kabila  ng mga unayan na mayroon sila ay nagkakaroon rin sila ng mga territorial disputes dahil  may mga teritoryo na kung saan pinapakinabangan na nilang pareho at hindi na sila  nagkakasundo kung sino ba dapat ang nagmamay-ari sa mga ito.  

Ang territorial dispute ay ang hindi pagkakasundo ng mga bansa sa pagmamay ari ng isang teritoryo. Maaaring mangyari ito kapag ang isang pinuno ng bansa ay  nagpahayag ng pag-aangkin sa isa o mga teritoryo na pagmamay-ari na umano ng isang  bansa. Maaari namang madaan sa mapayapang pakikipag-usap ang territorial dispute,  ngunit may mga pagkakataon na hindi nito napagkakasundo ang mga bansa kaya naman  ang iba ay humahantong sa mga gera sa teritoryong iyon. Maaari rin naman na  binabantayan na ng isang bansa ang teritoryong iyon sa pamamagitan ng mga tauhang  military ng isang bansa na nais na ipaglaban ang teritoryo nila. 

Sa ngayon, nababalita na may mga hidwaan pa rin sa pagitan ng Pilipinas at China  sa pagmamay-ari ng West Philippine Sea o ng South China Sea. Ang West Philippine  Sea ay matatagpuan sa halos 124 nautical miles (nm) sa kanluran ng Zambales na kung  saan naapaloob pa rin ito sa 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng  Pilipinas, ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Sinasabi rin na ang lokasyon ng West Philippine Sea ay napapaloob sa 9-dash line map ng China  na nabuo pa noong 1940s. Maliban pa sa mga lokasyon nito, sinasabi na sagana sa likas  yaman ang teritoryong ito. Ayon sa mga eksperto, maraming mga uri ng mga isda, coral,  at iba pang mga nabubuhay na bagay na matatagpuan sa dagat na ito. Sinasabi rin na  mayroong 7 bilyon na bariles ng langis at 900 trillion cubic feet ng natural na langis ang  matatagpuan dito. May mga isla rin na matatagpuan rito, katulad ng Spratly islands at  Scarborough Shoal, na kung saan maaaring gamitin sa mga militar na estratehiya. Dahil  sa mga ito, may tension na namamagitan pa rin sa dalawang bansa gawa ng pag aagawan sa West Philippine Sea hanggang ngayon kahit na umabot na sa arbitration  tribunal ang kaso nila. 

Ang nilalaman ng papel na ito ay ang mga historical at ligal na batayan na  ginagamit ng China at Pilipinas upang mapatunayan kung sino ang tunay na nagmamay ari ng West Philippine Sea. Layunin ng papel na ito na makapagbigay ng impormasyon  tungkol sa suliraning nabanggit at maliwanagan ang mga mambabasa kung sino ang  nagmamay-ari ng teritoryong iyon.  

DISKUSYON 

Nagkaroon ng pag-aagawan sa West Philippine Sea o South China Sea ang China  at Pilipinas dahil may mga ito ay may kani-kaniyang mga basehan upang patunayan na  sila ang nagmamay-ari ng teritoryo. 

Sinasabi ng China na ang mga isla na matatagpuan sa South China Sea ay mga  nadiskubre noong Han dynasty. Sinasabi rin nila na sa kanila ang nabanggit na dagat  dahil sa 11-dash line map (9-dash line map sa kasalukuyan) na unang binuo ng isang Tsinong geographer noong 1947. Ipinapakita ng mapang ito na pagmamay-ari ng China  ang nasa loob ng linya na umaabot sa halos 2,000 kilometrong layo mula sa mismong  lupain nito. Nasa loob ng linyang ito ang West Philippine Sea, kabilang na rito ang iba  pang mga teritoryo na napag-uusapan tulad ng Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc at Spratly Islands. 

Ang Pilipinas ay hindi sang-ayon sa pahayag ng China dahil ang West Philippine  Sea ay matatagpuan sa itinuturing na 200nm EEZ at continental shelf nito. Ito ay  nakabase sa patakaran ng UNCLOS na ang isang bansa ay may maaating gamitin na  EEZ na maaaring matagpuan sa hanggang 200nm mula sa dalampasigan nito at  maaaring pakinabangan ito ang mga mapagkukunang yaman na matatagpuan dito. 

Karagdagan, ang mga teritoryong tulad ng Scarborough Shoal ay kinokonsidera na bilang  bahagi ng Pilipinas noong panahon ng Espanyol. Ipinapakita ito sa mga mapang tulad ng  mapang Verde-Murillo noong 1734, mapa ni Felipe Bauza noong 1774, at A Chart of the  China Sea and Philippine Islands ni Robert Carr noong 1794. Ang mga pahayag na ito  ang mga ginagamit na patunay ng Pilipinas na sila ang nag-aari ng West Philippine Sea. 

Ang hindi pagkakasundo ng dalawang bansa ay nagsimula noong 1995 na  nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Noong mga panahong ito, sinakop ng China ang  Mischief Reef o ang Panganiban reef na matatagpuan sa 125nm mula Palawan. Nagsimula ng protesta ang Pilipinas tungkol dito sa Association of Southeast Asian  Nations o ASEAN. Noong 1997 naman, pinigilan ng mga barko ng hukbong dagat ng  Pilipinas ang mga bangka mula sa China na makarating sa Scarborough Shoal bilang  protesta sa mga ito.

Noong 2009 naman, isinumite ng China ang kanilang 9-dash map sa United  Nations bilang responde sa alitan nila ng Malaysia at Vietnam sa usaping teritoryo sa  South China Sea. Ipinahayag nila na ang mapang iyon ang nagpapakita ng kanilang  soberanya sa mga isla na matatagpuan sa South China Sea at sa mga karagatan nito.  Kinalaunan, naghain ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, at Indonesia tungkol dito. 

Nag-alabang alitan sa pagitan ng dalawang bansa noong 2011, kung saan  nagsimula ito sa pagbaril sa tatlong Pilipinong bangkang pangisda ng mga militar mula  sa China na mga nakasakay sa isang barkong pangdigma noong Pebrero. Natuklasan naman noong Mayo na nagtatayo na pala ng mga himpilan ang China sa mga teritoryo  ng Pilipinas sa Spratly Islands. Naghain naman ng diplomatic protest ang Pilipinas noong  Hunyo ng taong ito matapos na pwersahang paalisin ng mga bangka mula China ang  isang chartered ship na naghahanap ng langis sa Recto Bank na nangyari pa noong  Marso na nagpatuloy sa mga sumunod na buwan. Sa taong din ito sinimulang tawagin  ng Malacañang, sa pamumuno ni Dating Pangulong Benigno Aquino III, na West  Philippine Sea ang karagatang nasa kaliwang bahagi ng Pilipinas sa kinalalagyan ng mga  islang pinag-aagawan. Ito ay matapos na magbanta ang China na huwag maghanap ng  langis sa pinag-aagawang teritoryo na walang paalam nila. Nag-usap sila Dating  Pangulong Aquino at Dating Pangulong Hu Jintao ng China, at nagkasundo sila na  patuloy pa rin ang magandang koneksyon sa pagitan nila at hindi ito maaapektuhan ng  kanilang hindi pagkakasundo sa teritoryo. 

Noong 2012, may mga nakitang grupo ng mga mangingisda sa China ang  hukbong dagat ng Pilipinas gamit ang eroplano nito sa Scarborough Shoal. Inimbestigahan ng hukbong dagat ang mga mangingisdang ito, at kinalaunan ay nakitaan ng mga kabibe, koral, at pating. Huhuliin na sana ito ng pinakamalaking barkong panggera ng bansa, ang BRP Gregorio del Pilar, subalit may dalawang surveillance ships  na dumating mula China kaya napigilan ang paghuli sa kanila. Dito nagsimula ang  standoff sa pagitan ng China at Pilipinas na tumagal ng halos tatlong buwan. Pinalitan ng  dalawang bansa ang kanilang mga barko sa mga mas maliit na barko ang kanilang mga  gamit. Pinagbawalan rin ng parehong bansa na mangisda sa lugar na iyon. Natapos ito  noong umatras na ang panig ng Pilipinas dahil sa pagdating ng panahon ng bagyo sa  bansa, kaya naman ang China na ang humawak sa Scarborough Shoal simula noon at  nagtayo na ng isla roon. Dahil dito, nagdesisyon ang China na isama sa disenyo ng  kanilang e-passport ang imahe ng kanilang 9-dash line map na kung saan naging resulta  ng pagpoprotesta ng Pilipinas dito. Nitong taong din ito napirmahan ang Administrative  Order No. 29, s. 2012 na kung saan isinasaad nito ang opisyal na pagpapangalan sa  West Philippine Sea. 

Noong simula ng 2013, nagsampa ng arbitration case ang Pilipinas laban sa China  upang mapaayos ang hindi pagkakasundo ng mga ito. Ipinahayag nito na labag sa  UNCLOS ang 9-dash line ng China, ang pag-aangkin ng China sa mga bato, at ang  karapatan ng Pilipinas na makapasok sa kanilang EEZ at continental shelf na hindi  inaabala ng mga Chinese. Nagresulta ito sa hindi pagtanggap ng China sa proseso na  naging dahilan ng pagpapatuloy ang korte at ang arbitrasyon na magpatuloy kahit wala  ang kanilang panig. 

Nooong unang araw ng taon, nag-implementa ang China ng fishing permit rule sa  West Philippine Sea. Kinalaunan, tumutol ang Pilipinas sa pagpapasabog umano ng mga  Chinese coast guard sa mga Pilipinong mangingisda sa may Scarborough Shoal. Dalawang barko mula sa Pilipinas ang ipinalayas ng Chinese Coast Guard sa Ayungin  Shoal na matatagpuan sa Spratly Islands ayon sa Department of National Defense.  Kasabay nito ay ang pag-iwas ng barko ng gobyerno ng Pilipinas sa mga barko ng China  dahil hinaharangan ng mga ito ang pagbibigay ng pangangailangan ng mga militar ng  Pilipinas sa nasabing shoal. Nagsumite naman ng memorial ang Pilipinas tungkol sa  West Philippine Sea sa UN Arbitration Tribunal noong 2014. Naglalaman ito ng 10 bolyum  na may 4,000 na pahina na kung saan ginamit ito bilang mga ebidensya nila sa kanilang  mga isinampang kaso. May inarestong 11 na mangingisda mula sa China na nahuling  nagdadala ng 500 na mga pagong sa isang pinag-aagawang isla sa may Palawan.  Inakusahan din ng Pilipinas ang China na nagpapatayo ng isang airstrip sa may Johnson  Reef at kinalaunan ay naglabas ang mga ito ng litrato. Sa huling buwan ng taon, naglabas  ang China ng mga pahayag na kumokontra sa mga pahayag ng Pilipinas na ibinigay nito,  na kung saan sinasabi na nilabag at inabuso daw nito ang international law. 

Noong 2015 naman, inaangkin na muli ng China ang Mischief reef at ginawa itong  istasyon ng kanilang hukbong dagat. Pinakinggan na rin ng Permanent Court of  Arbirtation (PCA) sa the Netherlands ang mga oral arguments na ibinigay ng Pilipinas, at  hindi nito tinanggap ang argumento na ibinigay ng China tungkol sa Pilipinas. Hindi  tinanggap ng China ang desisyon ng PCA. Kalagitnaan nito, natapos na ang daanan na  ipinatayo ng China sa may Kagitingan Reef. Nagkaroon muli ng hearing tungkol sa kaso  ng Pilipinas at binigyan ng PCA ng oras ang dalawang bans ana ayusin ang mga kopya  ng hiring. 

Nagpatuloy ang mga kaganapan sa pagitan ng dalawang bansa noong 2016.  Patuloy ang pagpapatayo ng China ng mga sasakyang pandagat na magagamit ng mga ito sa pagbabantay sa West Philippine Sea. Naibalita rin na nagpaplano ang China na  magtayo ng himpilan sa Spratly Islands upang alalayan ang mga mangingisda na nasa  panganib at maipaikli ang distasya nila upang byumahe. Noong July 12, naipanalo ng  Pilipinas ang kaos nito laban sa China, at sinabi ng PCA na ang China ay walang legal na basehan sa pag-angkin nito sa bahagi ng teritoryo ng Pilipinas, ngunit binalewala lang  ito ng China. Subalit, sa kabila ng pagkapanalo ng Pilipinas, ipinagbawal ng bagong  presidente na si Rodrigo Duterte ang pangingisda sa Scarborough Shoal. Nais ni Duterte  na mapaayos ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa upang mapa-usbong ang  ekonomiya ng Pilipinas at maipagpatuloy ang pag-uusap nang masinsinan ng mga ito. 

Noong 2017, mas gumanda ang relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.  Napagkasunduan ng dalawang panig na palakasin ang proteksyon sa kalikasan ng mga  yamang dagat, pagbawas sa mga peligrong dulot ng kalamidad, at kooperasyon sa  pagsasaliksik tungkol sa mga yamang dagat, pati na rin ang pagsasama ng dalawang  panig sa paghahanap gawaing pandagat. May 14 na kasunduan ang pinirmahan ng  China at Pilipinas na kung saan maaaring makatulong sa pag-unlad ng mga ito. Ngunit  sa kabila ng magandang koneksyon ng dalawang bansa, nagpatayo na ang China ng  mga artificial islands sa West Philippine Sea, kung saan makikita natin na may mga  paliparan na rin na matatagpuan sa mga ito. Ang mga islang uito ay matatagpuan sa  Fiery Cross, Mischief, at Subi Reef. Nagpakabit na rin ng high-frequency radar at iba  pang mga pasilidad ang China sa mga artificial islands nito na maaari nilang gamitin sa mga aktibidad na pangmilitar. 

Noong 2018 naman, naibalita na may mga eroplanong panggera na inilagay ang  China sa tatlong isla sa Spratly Islands. Ito ay ang mga isla kung saan nagpatayo ng mga man-made islands ang China. Matatagpuan silang lahat malapit sa Pilipinas at malapit  rin sa mga base militar na ipinapatayo ng Amerika at Pilipinas. Makikita rin na mas pinapalakas ng China ang kanilang militar na mga tauhan sa pamamagitan ng pagbibigay  ng mga kagamitan. Muntikan na rin na magkasalubong ang mga barko ng Amerika at  China at ipinahayag ng China na ang military mula sa Amerika ay banta sa kanilang  soberanya. Hindi gumanda ang relasyon ng Amerika at China gawa nito. 

Naalarma si Duterte sa mga barko na nakita sa Spratly Islands. Binantaan niya  ang China na magpapadala siya ng mga militar kung hindi titigil ang China sa  pagpapadala ng mga barko sa mga islang ito. Ito ay gawa ng mga natagpuang barko ng  China sa may Pag-asa Island. Noong Hunyo naman ng taong ito, may 12 na  mangingisdang nakasakay sa iisang barko na natagpuang palutang-lutang sa may Recto  Bank bago iligtas ang mga ito ng isang Vietnamese fishing boat. Ayon sa kanila, may  isang Chinese vessel na sumagasa sa kanilang bangka at hindi sila niligtas ng mga ito.  Iniwan lang sila ng mga Chinese roon at hinayaan lang na magpalutang-lutang sa loob  ng 3 oras. Sinabi ni Duterte na kakausapin niya ang China tungkol sa hindi nila  pagkakasundo, ngunit nagdadalawang-isip pa siya sa pahayag ng mga mangingisda  dahil sa tingin niya ay hindi iyon gagawin ng China. Sinabi din niya na hayaan lang ang  mga mangingisdang Chinese na mangisda sa mga karagatan ng Pilipinas. Noong Hulyo  naman, ipinaglaban na ni Duterte ang West Philippine Sea, at sinabi niya na kakausapin  na talaga niya ang China tungkol dito. Subalit sa kabilang banda, sabi niya ay maghinay hinay na lang muna sapagkat nakikinabang ang Pilipinas sa relasyon nito sa China at  maganda ang relasyon nila.

Noong nakaraang taon, mas tumaas ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa  gawa ng pandemiyang dulot ng COVID-19. Natagpuan sa West Philippine Sea ang China  Coast Guard na pumapatrolya sa mga isla roon. Naibalita na itinutok umano ng isang  Chinese naval ship ang mga armas nito sa isang Philippine naval ship sa Spratly Islands  noong Pebrero. Noong Marso naman, nagbukas ng mga research stations ang China sa  mga islang ipinatayo sa Subi at Fiery Cross reef. Noong Oktubre, inalis na ni Duterte ang  panukalang nagbabawal na maghanap ng langis sa may Recto Bank. Nakakatulong ito  sa mga kumpanya ng langis sa ating bansa sapagkat makakahanap pa sila ng mga  mapagkukunan nito, subalit maaaring makuha ng ibang lahi ang mga yaman na matatagpuan dito. Napagalaman naman noong Disyembre na ang mga sandatahang  Chinese ay natagpuang nagpapatrolya sa loob ng 287 na araw mula Disyembre 2019.  Sinasabi dito na pinagsamantalahan ng China ang pandemiya pati na rin ang pagiging  bukas ng Pilipinas sa pagkakaroon ng relasyon sa kanila. 

Sa ngayon, sinasabi na hindi sasama ang mga militar mula sa Pilipinas sa mga  drills na gagawin ng mga sundalo mula Amerika sa South China Sea. Ngunit sinasabi rin  na magpapadala ang militar ng Pilipinas ng mga barko sa West Philippine Sea. Sinabi ng  mga namumuno sa ating bansa na hindi nakakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China  ang mga hidwaan sa mga teritoryo nito. Maganda ang relasyon ngayon ng China at  Pilipinas, gawa ng pagiging bukas ni Duterte sa pakikipag-ugnayan sa China. Ngunit hindi  dapat tayo magpakasigurado sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na buwan sa pagitan ng mga ito.

BUOD 

Simula pa noong 1995, mayroon nang ‘di pagkakaunawaan na nagaganap sa  Pilipinas at China sa kabila ng kanilang mga koneksyon sa isa’t-isa gawa ng usaping  teritoryo. Una silang hindi nagkasundo gawa ng pagsakop ng China sa Mischief Reef na  matatagpuan malapit sa Pilipinas. Nagkaroon ng pagprotesta ang Pilipinas tungkol dito  sa pamamagitan ng pagpigil sa China na makarating sa iba pang mga teritoryo ng  Pilipinas. 

Noong 2009, ipinahayag ng China ang kanilang 9-dash line bilang basehan ng  kanilang mga teritoryo sa South China Sea. Ito ang responde ng China sa isyung teritoryal  na kinahaharap nila ng Malaysia at Vietnam, at kinalaunan nagreklamo na rin ang  Pilipinas tungkol dito. Simula noong 2011, nagsimula na ang hindi pagkakaunawaan ng  Pilipinas at China sa pagmamay-ari ng West Philippine Sea. Makikita sa mga kaganapan na binabantayan, ginagalaw, at pinapakinabangan na ng mga Chinese ang mga teritoryo  ng Pilipinas sa West Philippine Sea. 

Noong 2013, nagsampa ng arbitration case ang Pilipinas laban sa China. Ang  ginamit na basehan ng Pilipinas upang ipaglaban ang kanilang mga teritoryo ay ang  lokasyon ng mga ito kung saan ang mga ito ay nasa loob ng 200-nautical mile exclusive  economic zone at continental shelf ng Pilipinas, at mula pa noong panahon ng Espanyol  ay kasama na ito sa mga mapa na ginawa ng iba’t-ibang mga kartograpo. Ang mga  ebidensiyang ito ay ipinasa ng Pilipinas noong 2014 sa Permanent Court of Arbitration  sa the Netherlands, at noong 2016 naman ay naipanalo ng Pilipinas ang kaso. Hindi  pinansin ng China ang pagkapanalo ng Pilipinas, at naging dahilan ito ng pagsabog pa  ng isyu dito.

Kasabay ng unang taon sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016,  nag-usap ang Pilipinas at China tungkol sa mga suliraning kinahaharap nila. Kinalaunan,  nagkasundo ang mga ito at naging bukas na sila sa pakikipagkalakalan. Ngunit sa  kabilang banda, naibabalita na nagpapatayo na ang China ng mga artificial islands sa  mga teritoryong pag-aari ng Pilipinas at mas lalo pa nila itong binabantayan. Pinapalakas  na rin ng China ang base-militar nila sa mga islang pinatayo nila, at naglalaan sila ng  pondo para sa mga sasakyan at mga sadatang pandigmaan na maaari nilang gamitin sa  mga maaaring manghimasok sa kanila. Naibabalita rin na may mga mangingisdang  Pilipino na sinasagasaan ng mga malalaking barko mula sa China, at ang mga Chinese  na mangingisda naman ay nanghuhuli ng mga hayop at pinapatay ang mga ito. 

Hindi man naaapektuhan ng mga isyung teritoryal sa pagitan ng China at Pilipinas  ang relasyon nila sa isa’t-isa, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nagaganap pa rin ang  mga suliraning ito, at hindi tayo sigurado kung ano ang maaaring mangyari sa mga  susunod na panahon kapag nagpatuloy pa ito. 

KONKLUSYON 

Base sa mga impormasyon na nakalap ko mula sa mga pinagbasehan ng China  at Pilipinas sa pag-aangkin ng teritoryo hanggang sa mga nangyari sa kanila sa paglipas  ng panahon, masasabi ko na ang Pilipinas ang tunay na may-ari at may karapatan sa  West Philippine Sea. Ito ay dahil sa mga legal na basehan na ginamit nila, kung saan  ipinakita nila ang mga karapatan nila base sa international law at UNCLOS, at pati na rin  sa kasaysayan nila kung saan noon pa man ay isinasama na ng mga sumakop sa kanila  ang mga islang pinag-aagawan na ngayon. Naging pinagkukunangyaman naman na rin ng ating mga kababayan ang mga teritoryong ito, at makikita naman natin na hindi nila  inaabuso ang mga likas-yaman roon. 

Sa personal na pananaw, hindi na rin ako naniniwala na ang China ang may-ari  ng buong South China Sea. Wala silang legal na basehan na ginamit para patunayan ito,  at ang mga historical na basehang ginamit nila ay maaaring gawa-gawa lang dahil wala  namang mga mamamayan sa mga teritoryong iyon na magpapatunay roon at gumagawa  lang ng paraan ang China upang mapasakanila ang mga teritoryong gusto nila makuha. 

Ayoko na ring isipin na sila ang dapat na magmay-ari nito, dahil base sa mga ginagawa  nila ngayon, makikita naman natin na sinisira lang nila ang kalikasan. Mula sa mga  artificial lands na binubuo hanggang sa mga hayop na illigal na hinuhuli at pinapatay,  masasabi natin na maaring inaabuso lang nila ang kalikasan, at pinagsasamantala lang  nila ang mga naibibigay nito. 

Nais ko lang na sa mga susunod na araw, buwan, o taon na maging hinay-hinay  ang Pangulo sa kaniyang magiging mga aksyon sa pakikipag-ugnayan sa China. Base  sa mga ginagawa talaga nila ngayon, maaaring pinagsasamantalahan lang tayo ng mga  ito, at baka sa mga susunod ay gamitin nila ang mga kahinaan natin sa pag-atake sa atin.  Maganda na sana na naipanalo ng Pilipinas ang kaso sa PCA, ngunit maaaring mapunta  lang ito sa wala kung hahayaan lang natin ang China na angkinin ang mga teritoryo natin.  Mahalaga na mapangalagaan natin ang ating mga teritoryo at karapatan, sapagkat tayo  rin naman ang makikinabang sa mga ito. Maaaring mamaya mapunta lang sa wala ang  lahat ng pinaghirapan ng iba para lang makuha ang mga kalayaang dinaranas natin  ngayon at ang mga teritoryong napapakinabangan natin sa araw-araw.

BIBLYOGRAPIYA 

  • https://amti.csis.org/ArbitrationTL/ 
  • https://amti.csis.org/china-lands-first-bomber-south-china-sea-island/
  • https://amti.csis.org/counter-co-scarborough-standoff/ 
  • https://apnews.com/article/bcd47429a69240af81544554a78fd138
  • https://cnnphilippines.com/news/2015/07/23/west-philippine-sea-101- scarborough 
  • shoal.html#:~:text=It%20lies%20about%20118%20nautical,of%20the%20Sea%2 0(UNCLOS)
  • https://dfa.gov.ph/images/UNCLOS/Notification%20and%20Statement%20of%20 Claim%20on%20West%20Philippine%20Sea.pdf 
  • https://edition.cnn.com/2017/12/25/asia/south-china-sea-2017-intl/index.html • https://edition.cnn.com/2019/04/05/asia/south-china-sea-duterte-beijing intl/index.html 
  • https://globalnation.inquirer.net/177008/duterte-its-ok-to-let-china-fishermen-in ph-waters 
  • https://intl.denr.gov.ph/database-unconventions/article/14#:~:text=These%20are%20called%20Exclusive%20Econo mic,rights%20over%20its%20natural%20resources. 
  • https://news.abs-cbn.com/news/05/22/18/duterte-wants-to-assert-ph-rights-over s-china-sea-but-warns-of-great-loss 
  • https://news.abs-cbn.com/news/07/22/19/duterte-vows-to-fight-for-west-ph-sea rights-in-due-time 
  • https://news.abs-cbn.com/video/news/02/11/21/lorenzana-ph-military-wont-join us-troops-in-south-china-sea-drills 
  • https://newsinfo.inquirer.net/13833/%E2%80%98it%E2%80%99s-west philippine-sea%E2%80%99 
  • https://newsinfo.inquirer.net/1394132/military-to-deploy-more-ships-to-west philippine-sea 
  • https://ph.usembassy.gov/the-philippines-future-floats-in-the-west-philippine sea/#:~:text=Here%20in%20the%20Philippines%2C%20the,complexity%2C%20f ragility%2C%20and%20resilience. 
  • https://qz.com/705223/where-exactly-did-chinas-nine-dash-line-in-the-south china-sea-come-from/ 
  • https://ro.uow.edu.au/cgi/viewcontent.cgi?article=2053&context=lhapapers
  • https://specials.rappler.com/world/regions/asia-pacific/139392-timeline-west philippine-sea-dispute/index.html 
  • https://specials.rappler.com/world/regions/asia-pacific/139392-timeline-west philippine-sea-dispute/index.html 
  • https://time.com/4412191/nine-dash-line-9-south-china-sea/
  • https://theconversation.com/explainer-why-is-the-south-china-sea-such-a-hotly contested-region 143435#:~:text=China's%20claim%20to%20the%20sea,%E2%80%9Cnine%2Dd ash%E2%80%9D%20line.&text=In%20its%20ruling%2C%20the%20tribunal,larg ely%20contained%20by%20land%20features. 
  • https://thediplomat.com/2012/04/china-philippines-in-standoff/ 
  • https://thediplomat.com/2013/10/the-philippines-and-the-west-philippine-sea/
  • https://thediplomat.com/2017/11/chinese-premier-china-philippines-relations-as warm-as-manilas-weather/ 
  • https://theprint.in/theprint-essential/what-is-nine-dash-line-the-basis-of-chinas claim-to-sovereignty-over-south-china-sea/469403/ 
  • https://tribune.net.ph/index.php/2020/05/26/mother-of-all-maps/
  • https://www.cfr.org/timeline/chinas-maritime-disputes 
  • https://www.cnnphilippines.com/news/2019/6/17/Chinese-vessel-Filipino-boat crew-Duterte-meeting.html 
  • https://www.cnnphilippines.com/news/2020/12/5/China-increased-patrols-West Philippine-Sea-.html 
  • https://www.fsi.gov.ph/philippines-china-relations-beyond-the-territoral-disputes/ • https://www.ft.com/content/aa32a224-480e-11e6-8d68-72e9211e86ab 
  • https://www.gmanetwork.com/news/news/specialreports/222519/china-fired-at filipino-fishermen-in-jackson-atoll/story/ 
  • https://www.officialgazette.gov.ph/2011/09/01/joint-statement-of-the-philippines and-the-peoples-republic-of-china-september-1-2011/ 
  • https://www.officialgazette.gov.ph/2012/09/05/administrative-order-no-29-s-2012/
  • https://www.officialgazette.gov.ph/2013/01/22/statement-the-secretary-of-foreign affairs-on-the-unclos-arbitral-proceedings-against-china-january-22-2013/
  • https://www.oxfordbibliographies.com/view/document/obo-9780199743292/obo 9780199743292-0178.xml 
  • https://www.philembassy.org.au/latest/news/ph-submits-memorial-to-un-arbitralcourt#:~:text=The%20Philippines%20submitted%20its%20memorial,over%20the %20West%20Philippine%20Sea. 
  • https://www.philstar.com/headlines/2011/05/24/688856/china-builds-more spratly-outposts 
  • https://www.theguardian.com/world/2012/apr/11/philippines-china-stand-off south-china-sea 
  • https://www.rappler.com/nation/ancient-maps-support-ph-claim-over-scarborough
  • https://www.rappler.com/nation/mischief-reef-reclamation-big-problem 
  • https://www.rappler.com/nation/missing-chinese-fishermen-half-moon-shoal 
  • https://www.rappler.com/nation/ph-protests-new-chinese-passport-map 
  • https://www.rappler.com/nation/ph-takes-china-dispute-to-un 
  • https://www.rappler.com/nation/philippines-china-ruling-case-west-philippine-sea
  • https://www.rappler.com/nation/pnoy-ph-fishing-ban-not-due-to-china
  • https://www.rappler.com/nation/us-think-tank-says-more-frequent-china-coast guard-patrols-west-philippine-sea-2020 
  • https://www.rappler.com/newsbreak/explainers/lifting-west-philippine-sea moratorium-tests-duterte-china-strategy 
  • https://www.rappler.com/world/china-to-ramp-up-development-on-disputed-island
  • https://www.reuters.com/article/us-philippines-china-reef-idUSBREA2U02720140331 
  • https://www.reuters.com/article/us-china-sea-boundary-idUSBRE84O07520120525 
  • https://www.reuters.com/article/us-china-southchinasea-idUSKBN1EJ02J
  • https://www.reuters.com/article/us-philippines-china-sea-idUSBRE83A02G20120411 
  • https://www.state.gov/wp-content/uploads/2019/10/LIS-143.pdf 
  • https://www.straitstimes.com/asia/philippines-vs-china-in-the-south-china-sea the-dispute-so-far 
  • https://www.wsj.com/articles/china-declines-arbitration-for-south-china-sea dispute-with-philippines-1417933211 
  • https://yaleglobal.yale.edu/content/standoff-south-china-sea

Comments